Ang Common Poster Area ay isang lugar na maaaring paglagyan ng mga legal na campaign materials sa panahon ng kampanya mula October 19-28, 2023.
Bawat barangay sa bansa ay mayroong Common Poster Area na designated ng COMELEC, ngunit maaari ring magtayo ang mga kandidato ng Common Poster Area basta may awtoridad mula sa COMELEC at sarili nilang gastos, subject sa mga sumusunod na requirements at limitasyon:
Hindi tumutukoy sa poste, puno, pader ng gusali, pampublikong istraktura na aktibong ginagamit
Ang kandidato na may paunang pahintulot mula sa COMELEC na magtayo ng Common Poster Area sa barangay ay maaari lamang magtayo ng 1 Common Poster Area kung ang bilang ng rehistradong botante sa barangay ay 5000 o mas mababa pa at 1 karagdagang Common Poster Area para sa kada dagdag na 5000 rehistradong botante
Papayagan ng Election Officer na gawing Common Poster Area ang mga piling pampublikong lugar katulad ng plaza, palengke, barangay center, at iba pang katulad nito
Ang sukat ng bawat Common Poster Area ay hindi dapat lampas 4 feet x 6 feet at may kabuuang lawak na hindi lampas 24 square feet
Ang sukat ng indibidwal na poster ay hindi lampas 2 feet by 3 feet. Kung maliit ang espasyo ng Common Poster Area ay maaaring gawing mas maliit at pare-pareho ang sukat ng posters upang maaccommodate lahat ng kandidato
Ang Common Poster Area na nakalaan para sa mga kandidato ay hindi dapat gamitin ng ibang kandidato kahit may pahintulot pa nito
Bawal maglagay ng legal na campaign materials sa labas ng Common Poster Area maliban na lang sa private property na may pahintulot ng may-ari
Ang sinumang maglalagay o magkakabit ng mga campaign materials sa mga lugar na bawal paglagyan o pagkabitan nito ay bibigyan ng Election officer ng NOTICE at kung sa loob ng 3 araw matapos bigyan ng abiso ay hindi pa rin inaalis ang campaign materials ay maaari na itong mapailalim sa Oplan Baklas Operations.
Ang listahan ng Common Poster Areas sa inyong lugar ay nakapaskil sa Opisina ng Election Officer at makikita sa official COMELEC Facebook page.
Kaya naman sundin ang mga batas at alituntunin tungkol sa pangangampanya at maging isang #ResponsablengKandidato.
PAALALA MULA SA COMELEC:
Ang pamimigay, pag-aalok, o pangangako ng pera o anumang bagay na may halaga, paggastos o pag-aalok ng paggastos, direkta man o hindi, para sa sinumang tao, para hikayatin ang sinuman na bumoto para o laban sa isang kandidato, ay lumalabag sa batas at gumagawa ng Election Offense na Vote-Buying.
#BSKE2023
#BarangayAtKabataan
#KabilangKaDito
#BSKE2023Campaigning
#TamangPangangampanya