Vinzons Operation Tuli (August 8, 2023)

Naging matagumpay ang Operation Tuli na ginanap sa Municipal Health Office sa Vinzons Teen Center ngayong Martes, Agosto 8, 2023.

Nagsagawa ng “Operation Tuli” ang Local Government Unit of Vinzons sa pamumuno ni Mayor. Eleanor F. Segundo at Municipal Executive Assistant IV – Engr. Joseph “Kuya Jo” F. Segundo. Naisakatuparan ang naturang gawain sa pamamagitan ng Municipal Health Office Vinzons na nasa pamumuno ni Dr. Benjamin Torres at katuwang din ang Alpha Phi Omega Medical Team.

Ang aktibidad na ito ay pinasimulan upang itaguyod ang kalinisan ng pagtutuli sa mga batang lalaki. Ang pagtutuli ay pinaniniwalaan na nagpapababa ng panganib ng ilang mga impeksiyon at kundisyon. Malaking tulong sa mga batang lalaki ang pabibigay serbisyo sa pagtutuli.

Patuloy na suporta ang handog ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Vinzons sa mga programang pangkalusugan sa bayan ng Vinzons.

Scroll to Top