Graduation ng 33 Special Program for Employment of Students (SPES) sa LGU – Vinzons

Isinagawa ngayong araw ang Graduation ng Special Program for Employment of Students (SPES) sa bayan ng Vinzons. Ito ay isang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang PESO Vinzons at ang Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Vinzons.

Mahigit 33 na mga kabataang nanggaling sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Vinzons ang nakapagtapos sa SPES program na ito. Buo ang suporta ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Vinzons sa SPES Program sa pamumuno ni Mayor. Eleanor F. Segundo at tulong ni Municipal Executive Assistant IV – Engr. Joseph “Kua Jo” F. Segundo.

Nagdaan sa pagsusulit at mapalad na nakapasa ang 33 na mga kabataang ito bago makasali sa SPES program ng munisipyo. Ang ganitong programa ay naglalayong mahikayat na magtrabaho. Ito din ay ginagawa upang makita din ng ating mga kabataan ang iba’t ibang roles at responsibilidad para sa mga opisina sa Lokal na Pamahalaan ng Vinzons.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top