Isinagawa ngayong araw ang pamamahagi ng food packs, iba’t ibang mga gamot, tsinelas, trapal, kulambo at reading glass para sa mahigit 980 na households sa Barangay Sabang, Vinzons Camarines Norte.
Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Vinzons sa pangunguna ni Mayor Nory Ferrer-Segundo at ng Kinatawan ng Unang Distrito ng Camarines Norte, si Congresswoman Josie Baning Tallado. Kasama din sa pamamahagi ng mga ito sina Bokal ng 1st District, BM Artemio “Bihug” Serdon at ang dating Provincial Direktor ng PNP, Ret. Police Col. Marlon Tejada. Nakatulong din ang partisipasyon ng mga kawani mula Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Vinzons.
Nagmula kay Congresswoman Josie na iba’t ibang mga gamot, tsinelas, reading glass, trapal, kulambo. Nagdala din si Congresswoman Josie ng additional 100 food packs para sa mga totally damaged households.
Ipinaabot rin ang Financial Assistance ng Pamahalaang Lokal ng Vinzons para sa mahigit 15 na Totally Damaged Households. Ito ay magsisilbing tulong pangpanimula nila para sa pagtatayong muli ng kanilang mga tahanan dulot ng pananalasa ng buhawi sa nabanggit na barangay.
Tuwa, galak at pasasalamat naman ang naihatid ng naturang aktibidad sa mga mamamayan ng Barangay Sabang.